About the USI (Filipino)
What is a Unique Student Identifier (Ano ang Walang Katulad na Pagkakilanlan ng Estudyante) (USI)?
Ang Unique Student Identifier (USI) ay isang numero ng pagkakilanlan ng bawat estudyante na kumukuha ng kinikilalang pambansang pagsasanay o isang kwalipikasyon sa mataas na edukasyon sa Australya.
Ang mga ‘online links’ sa USI account na naglalaman ng lahat ng inyong mga ulat at resulta ng pagsasanay sa Vocational Education and Training (Edukasyon at Pagsasanay ng Bokasyonal) (VET) mula ika-1 ng Enero 2015.
Kung kayo ay nag-aaplay sa trabaho o kumukuha ng karagdagang pag-aaral, maaaring kinakailangan ninyong ibigay ang inyong mga ulat at resulta ng pagsasanay ng VET sa bagong taga-empleyo o paaralan ng pagsasanay
Maaari ninyong makuha ang inyong mga ulat at resulta na nasa inyong USI account online mula sa computer, tablet o teleponong mobile.
Sino ang kailangang may isang USI?
Sinumang estudyante na nag-aaral mula ika-1 ng Enero 2015. Kabilang dito ang mga pag-aaral sa Unibersidad, TAFE o mga pribadong paaralan sa pagsasanay ng mga kakayahan, kumukuha ng mga programa ng pagsasanay sa trabaho, sertipiko o diploma.
Bakit kailangang kumuha ng isang USI?
Iniuutos ng batas sa mga estudyanteng nag-aaral na magkaroon ng isang USI bago makatapos ng kanilang pagsasanay.
Paano ako makakuha ng isang USI?
Maaari kayong mag-aplay ng isang USI sa ‘online’ kung mayroon kayong porma ng pagkakakilanlan na nakahanda at marunong magbasa ng Ingles. Kung di-marunong magbasa ng Ingles, baka may kaibigan o kamag-anak kayong mapagpapatulungan. Ang inyong paaralan ng pagsasanay ay maaari ring makatulong sa inyo na mag-aplay para sa isang USI.
Tagasalinwika
May magagamit na serbisyo ng pagsasalin-wika (TIS National) na matatawagan sa 131 450 (sa halagang-bayad ng isang lokal na tawag) para sa mga taong nahihirapan sa pagsasalita o pag-iintindi ng Ingles. Hingin sa TIS National na tumawag sa Opisina ng USI sa 1300 857 536. Ang TIS National ay nagbibigay ng tagasaling-wika ng higit sa 160 na mga wika at diyalekto.
Maraming salamat